Alessandra de Rossi, sumabak sa 'What's In The Box' challenge

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2018 11:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sumabak sa "What's In The Box" challenge si Alessandra de Rossi sa naging pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles.

Ang hamon: Kailangan mahulaan ni Alessandra ang laman ng kahon sa pamamagitan nang paghawak sa mga ito.

Matagumpay niyang nahulaan na uod at itlog ang laman ng una at pangalawang kahon, pero napatakbo si Alessandra habang hinuhulaan ang pangatlong kahon na may lamang isda.

Bumisita ang aktres sa "UKG" para anyayahan ang mga manonood na panoorin ang pelikulang "Through Night and Day" na palabas na ngayong araw sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.