'Voice Kids' champ Vanjoss, nagdiwang ng kaarawan sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Miyerkoles sa "Magandang Buhay" si Vanjoss Bayaban, ang kampeon sa "The Voice Kids" season 4.

Sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Vanjoss ang simpleng kahilingan para sa kanyang kaarawan.

"Wish ko po na sama-sama pa rin kami ng family ko po and sana po ay magtuloy-tuloy po ang career ko po," ani Vanjoss.

Ayon kay Vanjoss, nauna nang natupad ang hiling niya na mapauwi na sa Pilipinas ang kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"Kasi po miss na miss ko na siya. Nung ako po ay six years old, siya po ang nag-aasikaso sa amin ng kapatid ko. ... Nagulat na lang po ako nung sinabi sa akin ni mommy na aalis na lang po siya," kuwento ni Vanjoss.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.