PANOORIN: Regine, ibinahagi ang fan girl moment niya kay Catriona

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 03:48 PM | Updated as of Nov 13 2019 04:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Parang pinapanood ko 'yung Miss Universe."

Ganito inilarawan ni Regine Velasquez ang kanyang reaksyon nang makita niya sa entablado si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa event ng Frontrow kamakailan.

Kasunod ito ng viral video ni Regine na hindi naitago ang paghanga sa beauty queen.

"Kasi tinitingnan ko siya, ang tangkad, tapos ang payat-payat, ang ganda-ganda, parang ang ganda-ganda, ang galing galing. Alam mo 'yun, parang pinapanood ko 'yung Miss Universe," ani Regine sa panayam ni Mj Felipe.

Dito, ibinahagi rin ni Regine ang maikling pag-uusap nila ng Pinay Miss Universe.

"I was telling her kasi after, I didn't know she sings," ani Regine.

"Actually I told her na, you continue singing ha, and then she said na 'Yeah, I really want to and I want to learn more, I want to study.' Sabi ko, 'Go but the best teacher is your experience, just keep singing.' Nakakatawa ba ako doon?" ani Regine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.