Anak ni Atong Ang, dumipensa kay Gretchen Barretto

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 03:20 PM | Updated as of Nov 13 2019 05:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elaine Yu (@ella.yu54) on

MAYNILA -- Present sa naganap na red-carpet premiere ng pelikulang "Two Love You" ang character actress na si Elaine Yu.

Si Yu ay anak ng negosyanteng si Atong Ang na nasangkot sa gulo ng magkakapatid na Barretto.

Sa panayam ng press kay Yu, hindi naiwasan na maitanong kung gaano kalapit ang kanyang pamilya kay Gretchen Barretto.

"Super supportive at saka close talaga siya sa amin and sa mga anak ko rin," tugon ni Yu sa panayam. "Family friend talaga namin sila (Gretchen), ka-business namin, so regularly we see each other sa mga parties. Masarap siya magluto, pinapadalhan kami palagi."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa kabila ng kinaharap na kontrobersiya, hindi raw natinag ng mga negatibong pahayag ang kanilang pagkakaibigan kay Gretchen. 

"Sabi nga nila, it's not my battle, so hindi naman ako apektado, kasi iba naman 'yung balita sa totoo. Ang importante 'yung intact kami, family, 'yung circle namin maayos," ani Yu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.