Tirso Cruz III, emosyonal nang pag-usapan ang namayapang anak

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 02:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigilan ng aktor na si Tirso Cruz III na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang namayapang anak na si TeeJay Cruz.

Sa kanyang panayam sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Lunes, tinanong ang beteranong aktor kung paano tinanggap ng kanilang pamilya ang pagkawala ni TeeJay.

"I would say it has opened a lot of things in my life. I've become more spiritual, naging mas closer kami," tugon ni Tirso.

"When something like this happens, then you start to cherish the time that you spend with your kids, the time you spend with your wife. When somebody disappears, kapag may nawala, alam mo nang wala ka nang chance ulit na to still extend love, or to let them know how you feel really about them," emosyonal na pahayag ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pip Silvano Cruz (@tirsocruziii) on

"Then when suddenly someone is taken away from you, ang laki ng nawala. 'Yun bang ang dami mo pang gustong sabihin, ang dami mo pang gustong gawin, pero wala na, ganun."

Nobyembre 2018 nang pumanaw si TeeJay Cruz dahil sa sakit na cancer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.