Roxanne Barcelo, malaki ang pasasalamat sa 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:37 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Lubos ang pasasalamat ng aktres na si Roxanne Barcelo sa Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions.

Nitong Sabado, hindi man naging kampeon ay napabilang sa Top 3 si Roxanne. Si Ethel Booba ang itinanghal na kauna-unahang celebrity grand champion.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ibinahagi ni Roxanne ang magandang naidulot ng pagsabak niya sa singing contest.

"Masasabi ko, it's one of the best highlights of my life. Totoo. 'Yung naranasan ko roon, it's more than a competition; it was rediscovering a talent na itinago ko, ibinaon ko sa limot," ani Roxanne.

"Pero somehow by the grace of God and, of course, ang madlang people, they really pushed me and believed in me and gave me a chance to give my heart and soul through music. I will forever be grateful to Tawag ng Tanghalan and, of course, 'It's Showtime' sa pagkakataon na ibinigay sa akin," dagdag ni Roxanne.

Matapos ang pagsabak sa TNT, abala si Roxanne sa pag-promote ng kanyang pelikula na "Love is Love." 

Makakasama ni Roxanne sa pelikula sina JC de Vera, Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Rufa Mae Quinto, Marco Alcaraz at Neil Coleta, sa direksiyon ni GB Sampedro.

Ipapalabas sa mga sinehan ang "Love is Love" simula Disyembre 4.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.