MMFF 2019: Jennylyn Mercado, ipinasilip ang ilang eksena sa pelikula kasama si Coco Martin

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 07:03 PM

MAYNILA -- Ipinasilip ni Jennylyn Mercado ang ilang kaganapan sa set ng kanilang pelikula ni Coco Martin na "3pol Trobol: Huli Ka Balbon" na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ibinahaging retrato ng aktres sa Instagram, kitang kasama ni Jennylyn sa set si Sam Milby at ilang kapulisan ng seryeng "Ang Probinsyano."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Bukod kay Jennylyn, bahagi rin si Ai Ai Delas Alas at Manila Mayor Isko Moreno sa inaabangang pelikula ni Coco sa MMFF.

Mapapanood ang "3pol Trobol: Huli Ka Balbon" at ang iba pang mga pelikula ng 2019 MMFF ngayong darating na Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.