Marlo Mortel, dumepensa sa kaibigang si Morissette

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa media conference para sa "Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbak," natanong si Marlo Mortel na malapit kay Morisette Amon tungkol sa kontrobersiyal na pag-walk out ni Morissette at kung ano ang dahilan nito.

Sagot ni Marlo na pakinggan ang parehong panig bago humusga.

"Huwag po natin i-judge si Morisette. Nag-message na rin po ako sa kanya. Ang sabi ko, 'Huwag ka mag-alala kahit ganito ang nangyayari. Isa ako sa tao na nakakakilala sa iyo ng totoo. Alam ko na mabait ka at 'yung Morisette na nakilala nila dati, 'yun pa rin ang Morisette na nakilala nila ngayon,'" ani Marlo.

Alam ni Marlo na may pagsubok na pinagdadaanan ngayon ang kanyang kaibigan at alam niya na malalagpasan din nito ang problema.

"Lahat naman ng artista at kahit normal na tao may pinagdadaanan, 'di ba? So intindihin na lang po natin siya and alam ko na hindi siya nagbago. She said thank you dahil nag-reach out ako and I know that God will guide her. In time, maayos lahat," ani Marlo.

Bagong pagkakataon naman para kay Marlo ang "TNT All Star Grand Resbak" kung saan sasabak siya muli sa kantahan na malapit sa kanya.

"Iniimbitahan ko po kayo na suportahan at panoorin kami sa 'TNT All Star Grand Resbak' and ito na 'yung best of the best. Lahat ng naging favorite natin from season one nandito lahat para pasayahin ang inyong tanghali," ani Marlo.

Bukod sa pagpe-perform, wish din ng fans ni Marlo na muli siyang mapanood sa serye at pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.