Maja Salvador, ikakasal na nga ba?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:35 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Wala nang mahihiling pa sa kanyang buhay ngayon ang Kapamilya star na si Maja Salvador.

Kasunod ito ng sunod-sunod na blessings na kanyang tinatanggap sa personal na buhay at sa kanyang trabaho bilang artista.

"Actually walang kulang... Feeling ko, sa ating lahat, feeling natin may hinahanap tayo. At sometimes kailangan natin sabihin sa sarili natin na kung ano ang para sa atin talaga, ay para sa atin. 'Yung huwag natin hanapin kung ano 'yung wala pa tayo," ani Maja.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Maja ang pagdating ng kanyang nobyong si Rambo Nuñez na ayon sa aktres ay tanggap na tanggap ng kani-kanilang pamilya.
 
"Walang nagbago. After nine years, mas quadruple pa 'yung love na binibigay nila, especially 'yung mga kapatid niya, lalo na si Tita Marilen (Nunez, ina ni Rambo). Since very supportive sila. 'Yung talagang ipaparamdam nila na parte ako ng pamilya nila," ani Maja.

Dahil sa mas bukas na relasyon ni Maja sa kanyang nobyo, binigyang linaw ng aktres ang maugong na balitang planong pagpapakasal na nila ng nobyo.
 
"Wala pa. Sabi ko nga sa ibang interviews ko, ito ang first time na sobrang open ako sa relationship ko. Sa Instagram, as in wala, very open ako. So hindi ko po ipagkakait 'yung moment na 'yun, 'yung happiness na 'yun, kung mangyari man 'yun kung mapagdesisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po," ani Maja.

Bukod sa kabi-kabilang endorsement, tutok muna ngayon si Maja sa tumitinding mga tagpo sa "The Killer Bride" bilang si Camila dela Torre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.