Julia Montes, may bagong hairstyle

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 12:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Marami ang nag-aabang sa mga post ng aktres na si Julia Montes.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Julia sa kanyang mga tagahanga ang bago niyang hairstyle.

Sa retrato, makikita na pinaiklian ni Julia ang kanyang buhok.

Hiling ng mga tagahanga ng aktres ang pagbabalik niya sa showbiz matapos niyang magpahinga mula noong nakaraang taon.

Huling bumida sa seryeng "Asintado" si Julia. 

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 12, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.