'Di masamang tao': Jobert Sucaldito tinanggap ang sorry ni Morissette

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 03:55 PM | Updated as of Nov 12 2019 08:41 PM

Ipinapaliwanag ng manager na si Jobert Sucaldito na hindi na makaka-perform si Morissette Amon sa birthday concert ng kaniyang talent, ang baguhang si Kiel Alo, noong Huwebes, Nobyembe 7. ABS-CBN News

MAYNILA – Tinanggap ng talent manager at producer na si Jobert Sucaldito ang paghingi ng tawad ng singer na si Morissette dahil sa biglaan nitong pag-atras sa isang concert guesting.

“Hindi naman masamang tao ‘yong bata. Ang importante rito, she owned up to it and she realized that she was wrong,” sabi ni Sucaldito noong Lunes sa radyo DZMM.

Nanawagan din si Sucaldito sa publiko na lawakan ang pag-unawa para kay Morissette.

“I hope this doesn’t happen again. Not just to me, not just to Morissette [but] to everyone,” aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Humingi ng tawad si Amon noong Lunes dahil sa biglaang pag-atras bilang guest sa concert ng baguhang mang-aawit na si Kiel Alo, na talent ni Sucaldito.

Sa kaniyang pahayag noong Lunes, ipinaliwanag ni Morissette na na-“trigger” siya sa biglaang panayam (na mapapanood sa baba) sa kaniya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News ukol sa kaniyang pamilya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon pa kay Morissette, nauunawaan niya na trabaho lang ni Dumaual na tanungin siya tungkol sa pamilya kaya humingi rin siya ng paumanhin sa reporter.

Nauna nang sinabi ni David Cosico, business manager ni Morissette, na umatras ang mang-aawit dahil sa “medical emergency.”

-- May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.