400 Kapamilya, nagsama-sama para sa Christmas station ID

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2018 08:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsama-sama ang halos 400 bituin at personalidad ng Kapamilya network para sa inaabangang ABS-CBN Christmas station ID.

Hindi naitago ng daang-daang Kapamilya stars ang kanilang pagkasabik na i-shoot ang station ID.

Mistulang reunion din ang okasyon para sa iba.

Excited si "Asia's Songbird" Regine Velasquez na makilala ang iba pang Kapamilya stars.

"It's my first station ID, I'm excited to see everyone. Some I have not met but I think I'm gonna be able to meet a lot of them today," ani Velasquez.

Itinuturing namang karangalan ni Angel Aquino ang maging bahagi ng station ID.

"Just to be invited and to be seen as part of the whole, very touching and always monumental station ID, it is such an honor," ani Aquino.

Sanib-puwersa rin para sa station ID ang mga kinagigiliwang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, Liza Soberano at Enrique Gil, at Edward Barber at Maymay Entrata. 

Nakisaya rin sina Angel Locsin, Pia Wurtzbach, mga anchor ng ABS-CBN News and Current Affairs at iba pang talents.

Ipalalabas ang 2018 Christmas station ID ng ABS-CBN sa Linggo, Nobyembre 18, sa "ASAP."

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.