Mistulang fairy tale na may "happily ever after" ang kasalang Anne Curtis at Erwann Heussaff na idinaos sa New Zealand.
Mala-prinsesa ang "Anne-kabogable" na aktres suot ang kaniyang wedding gown na obra ni Monique Lhuillier.
Angat din ang ganda ni Anne sa kaniyang bridal make-up.
Picture-perfect sa kanilang unang araw bilang mag-asawa sina Mr. and Mrs. Heussaff.
Pangako ni Anne sa kaniyang mister, habambuhay niyang iibigin si "The Fat Kid Inside" kahit pa isang araw, ay muling lumabas ang "matabang bata."
"The Fat Kid Inside" ang food blog ni Erwan na noo'y nagkuwento kung paano siya naging fit mula sa dating pagkakaroon ng sobrang timbang noong kaniyang kabataan.
Trending topic sa Twitter ang "#TheWanforAnne" na hashtag ng celebrity wedding.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, showbiz, entertainment, Anne Curtis, Erwan Heussaff, celebrity wedding, wedding