Maymay at Edward, nahihilig sa online games

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 11:18 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi ikinahihiya nina Maymay Entrata at Edward Barber na nahihilig din sila sa online games na isa sa paborito nilang libangan ngayon.

Kuwento ni Maymay, isa ito sa pinagtalunan nila ni Edward noon.

"Naiinis ako dati nung hindi pa ako naglalaro. Nung tinuruan niya ako, okay lang 'yan," ani Maymay.

"My mistake dati I brought it sa work," hirit ni Edward.

"Minsan kasi wala na sa lugar 'yung paglalaro nila," paliwanag ni Maymay.

At gaya sa nakaraan nilang interviews, kinamusta ng media ang status ng relasyon nila Edward at Maymay.

Dito nasabi nila ni Maymay na iba ang estado at tinginan nila ni Edward sa ngayon. Kita sa dalawa na inspirado silang magtrabaho na kasama ang isa't isa.

Ito raw ang ginagawa nilang motivation para mas mapasigla pa ang kanilang showbiz career.

Request ng fans na bumida na sa kanilang sariling teleserye sina Maymay at Edward na matagal na nilang inaabangan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.