PatrolPH

Luis Manzano, natutuwa para sa best friend na si Anne Curtis

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 04:39 PM

Luis Manzano, natutuwa para sa best friend na si Anne Curtis 1

MAYNILA -- Isa si Luis Manzano sa nagpaabot ng kanyang kasiyahan para sa Kapamilya host na si Anne Curtis na limang buwan ng buntis.

"I'm very, very happy for them. Not just because sinasabi nga nila na time is catching up, dahil feeling ko buong-buo ang pag-iibigan nila ni Erwan na kumbaga definitely the next step would be having a beautiful child," tugon ni Luis sa panayam ng Push

Naniniwala si Luis na magiging mabuting ina ang best friend niyang si Anne sa magiging anak nito.

"I've known Anne for the longest time and alam ko mastre-stress 'yan, anxiety 'yan, but at the same time, I know how her mom is. So I can imagine how she is and at the same time with all that being said, she would be a wonderful and perfect mother," pahayag pa ni Luis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.