PatrolPH

PANOORIN: 'Darna' star Jane De Leon, nagdiwang ng birthday sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2019 06:20 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Isang espesyal na kaarawan ang ibinigay ng "ASAP Natin 'To" nitong Linggo para sa bagong Darna na si Jane De Leon.

Dito, muling binakan ni Jane ang kanyang mga pinagdaanan bago makuha ang role ng Pinay superhero.

Inalala rin ni Jane ang matinding pagsubok na humamon sa kanilang pamilya nang harapin nila ang pagkakasakit ng kanyang mga magulang na kanyang baon ngayon sa pag-abot niya sa kanyang pangarap.

"Si Mommy, meron na siyang operation sa heart. Si Daddy, sobrang pag-aalaga niya kay mommy iba, but we didn't even expect na nagkaroon ng lung cancer si Dad," kuwento ni Jane.

"Noong time na nawala ang Dad ko, kailangan ko maging strong," aniya pa.

Ayon kay Jane, nakaka-relate rin siya sa personalidad na mayroon si Darna. "Kaya namin isakripisyo lahat para sa mahal namin sa buhay," pahayag ni Jane.

Sa ngayon, patuloy na ang training ni Jane para sa nalalapit na muling paglipad ni Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.