Kissing scene ni Maine kay Carlo Aquino, pinagselosan nga ba ni Arjo?

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2019 07:06 PM

MAYNILA -- Handang handa na ang aktor na si Arjo Atayde para sa kanyang pagbabalik sa iWant original series na "Bagman."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

Para sa Season 2 ng "Bagman," makakasama ni Arjo si Carlo Aquino na leading man ni Maine Mendoza sa pelikulang "Isa Pa With Feelings."

Dahil dito, hindi naiwasan na maitanong kay Arjo kung ano ang kanyang masasabi sa naging chemistry ni Carlo at Maine sa kanilang pelikula.

"More proud. We're proud of each other. I'm very proud of her also and that's one of her best performances. I'm really happy for her," ani Arjo sa naging panayam.

At dahil espesyal sa kanya ngayon si Maine, hindi rin naiwasan na maitanong sa aktor kung nakaramdam ba siya ng selos sa ilang eksena ng pelikula kabilang na ang kissing scene.

"Hindi po. I watched it but as a human being, I’m a guy, I don’t want it, I don't want to see it. But it’s part of our work," ani Arjo.

"Bakit ako magseselos?" giit pa ng aktor.

"I don't think any person will be okay with your girl kissing another guy pero it's part of our work. Sabi ko kay Maine, it's part of our work."

Simula Nobyembre 13 na magsisimulang mapanood ang bagong season ng "Bagman" sa iWant.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.