Romnick Sarmenta, naging emosyonal dahil sa mga anak

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 12:10 PM | Updated as of Nov 10 2018 07:34 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigilan ng aktor na si Romnick Sarmenta na maging emosyonal nang magbahagi tungkol sa kanyang buhay bilang isang ama.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, binalikan ni Romnick ang buhay na hindi niya kasamang lumaki ang kanyang ama at kung paano sila nagkasundo.

Naging emosyonal siya nang tanungin kung ang hirap niya na walang kinagisnang tatay ang dahilan kung bakit niya pinagsusumikapan na maging isang mabuting ama para sa kanyang limang anak kay Harlene Bautista.

"Siyempre gusto mong maramdaman nila na nandiyan ka, na mahal mo sila. Na kahit anong pagdaanan nila, you are going to be part of their lives, you are going to be there. Kung hindi mo man sabihin kung ano ang maganda para sa pinagdadaanan nila, at least you are there para makinig," aniya.

Giit ni Romnick, wala siyang sama ng loob na lumaki siyang hindi nakasama ang ama.

Aniya, bilang ama ay nais lang niya na palaging nariyan para sa kanyang mga anak.
 
"Pero hindi ba, you want to be there for all your kids. I have a 5-year-old and I'm 46, soon I will be 50. Iniisip ko lang pagdating niya ng 25, ilang taon ako and how much more I can do for her? Palagi kong sinasabi na walang magaling na tatay, 'yung nasa itaas lang 'yon, siya lang 'yon. Pero hindi mo maalis na gustuhin mong magawa 'yung the best para sa mga anak mo," aniya.

"Para sa akin it's such a gift to be given this many children and to be entrusted this much by being able to just be in their lives," dagdag ng aktor.

Nito lamang nakaraang buwan ay inanunsiyo nina Romnick at Harlene ang kanilang hiwalayan.

Hindi naman nagbigay ang dalawa ng detalye kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan na tumapos sa 19 na taon nilang pagsasasama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.