Angel Aquino, inaming may nakarelasyon noon na mas bata sa kanya

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 05:34 PM | Updated as of Nov 10 2018 07:35 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Aquino (@imangelaquino) on

MANILA -- Tila hindi na bago kay Angel Aquino ang karakter niya sa pinakabago niyang proyekto na "Glorious" kung saan kasama niyang bida si Tony Labrusca.

Sa press conference para sa nasabing pelikula ng Dreamscape Digital, ibinahagi ni Aquino ang dating relasyon sa mga mas bata sa kanya.

"Oo naman. Yes, may past relationship [ako] with younger people. I think the youngest was 11 years younger than me," aniya.

Ayon kay Aquino, tulad ng ibang relasyon ay nagkaunawaan naman sila ng huli niyang nakarelasyon na mas bata, at pareho silang may natutunan sa isa't isa.

"Yung last was 11 years younger. He's ahead of his age, mas mature siya than an early 30s guy. So medyo gets niya ako at gets ko rin siya. He was very respectful," kuwento ni Angel.

"And tama 'yung sinabi ni Tony na in a relationship like that, pareho kayong may takeaway, you both learn from each other. So yun, nag-work naman," dagdag ng aktres.

Maliban sa "Glorious," parte rin si Angel ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.