'Mabuti silang tao pareho': Dimples Romana, masaya para kina Vice Ganda at Ion Perez

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 05:12 PM

MANILA -- Masaya si Dimples Romana sa buhay pag-ibig ni Vice Ganda, ang co-star niya sa pelikulang "The Mall, The Merrier" na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nitong Biyernes sa press launch para sa pinakabago niyang endorsement na Skin Magical, ibinahagi ni Dimples na nakikita niya ang totoong kasiyahan kay Vice Ganda na kamakailan lang ay inamin ang relasyon sa co-host nito sa "It's Showtime" na si Ion Perez. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Alam mo mabuti silang tao pareho. They know what to do, they know the timing, they know each other, and I'm just happy na buhay na buhay 'yung ganung klaseng pagmamahal," ani Dimples.

Pag-amin pa ng aktres, kita niya ang pagiging inspirado ni Vice Ganda sa trabaho.

"Ang saya-saya niya, ang mga mata niya ay kumukuti-kutitap," ani Dimples na hanga rin kay Vice Ganda dahil sa pagiging mapagbigay nito sa mga kasamahan sa industriya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.