Paul Salas, may sama nga ba ng loob sa ex na si Barbie Imperial?

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 08:39 PM | Updated as of Nov 08 2018 08:52 PM

Paul Salas at Barbie Imperial. ABS-CBN News/Instagram: @msbarbieimperial

MAYNILA -- Tila naka-move on na ang dating Kapamilya actor na si Paul Salas sa naging hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial.

Kasunod ito sa napabalitang pananakit umano niya sa dating nobya.

"Sa ngayon ayaw ko na lang po muna magsalita about sa ganyan kasi mas focus muna ako sa career ko, and 'yung paglipat ko ng network," tugon ng aktor sa naging panayam ng press.

Kung tatanungin naman kung may galit ba siya sa naging pangyayari, matipid ang kanyang naging sagot: "Wala po." 

Aniya, wala na din siyang komunikasyon sa dating girlfriend. "Wala na po, pero happy naman po ako sa kung ano ang na-achieve niya ngayon sa buhay," sabi pa ng aktor.

Nang tanungin naman kung may nakikita ba siyang mali sa kinahinatnan ng kanilang paghihiwalay, paliwanag niya: "Naniniwala po ako na everything happens for a reason, baka may reason kung bakit nangyari sa akin 'yon, kung bakit bina-bash ako ng tao. Basta ako, ayaw ko na lang po muna magsalita sa kung ano ang nangyari sa amin ni Barbie. Para sa amin na lang talaga 'yun. Ayaw ko na ipagkalat pa sa public."

Nilinaw din ng ex-boyfriend ni Barbie na wala siyang naging sama ng loob sa naging kapareha nitong si JM de Guzman.

"Actually never naman po namin naging problema 'yung love team nila. Never po naging issue sa amin 'yun. Ever since day one, sinusuportahan ko po ang love team nila. Happy din ako sa nangyari at success ng show nila," patuloy pa niya.

Ayaw na rin magbigay ng komento ng aktor sa usapin ng pagmamabutihan ng relasyon nina JM at Barbie.

"Wala na din ako nababalitaan, kasi umiwas na din po ako sa social media ngayon. Marami din po akong guesting ngayon, so focus muna po ako sa career, sa pagsasayaw ko, sa gym," sabi pa ng aktor.

Sa kabila ng mga pangyayari, marami rin daw natutunan ang aktor 
 
"Don't trust anyone, huwag masyado mag-trust, lalo na these days," nakangiti niyang pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.