Marvin-Jolina reunion movie, tuloy na?

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 02:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kasabay ng surprise 40th birthday party ni Jolina Magdangal nitong Miyerkoles ng gabi, sorpresa din ang ibinahagi ng “Magandang Buhay” host sa planong balik-pelikula nila ng dating ka-tandem na si Marvin Agustin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin) on

“Actually matagal na kaming nagko-contact-an ni Marvin pero hindi lang talaga kami nabibigyan ng chance maupo tapos pag-usapan,” bungad ni Jolina as naging panayam ng press.

Aniya, nasa plano na nila ng dating ka-tandem ang pagbuo nito sa darating na 2019.

“Two months ago, galing siya sa ibang bansa, sabi niya 'yun daw 'yung aasikasuhin niya hanggang 2019 dahil gusto talaga namin gumawa ng project na involved talaga kami,” ani Jolina.

Kuwento pa ng actress-TV host, gusto rin nila maging hands-on sa pagbuo ng reunion movie na kanilang handog sa kanilang mga fans.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Gusto namin pelikula eh. Either co-prod or talagang hands on kami dun sa project, dun sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na kontektado sa ‘Labs Kita, Okay Ka Lang?’ Kasi 20 years na 'yung pelikulang 'yun eh. So anong nangyari kay Ned at Bujoy talaga, di ba?” pahayag pa ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.