Christian Bables, may rebelasyon sa kanyang karakter sa 'Halik'

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 08:47 PM | Updated as of Nov 08 2018 09:44 PM

MAYNILA -- Hindi inakala ni Christian Bables na mapapansin sa ibang bansa ang kanyang talento sa pag-arte.

Kasunod ito ng kanyang bagong pagkilala sa katatapos lang na Hanoi International Film Festival kung saan naiuwi niya ang best actor award para sa pelikulang "Signal Rock."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06) on

"Happy as in sobrang masaya, kasi first international award ko 'yun," masayang kuwento ng aktor sa press.

Bukod sa Hanoi, looking forward din ang buong team ng "Signal Rock" na makapasok sa Oscars sa 2019.

"From Golden Globes recently, hopefully, sana makapasok kami sa Oscars for next year," aniya.

Bukod sa natanggap na award, hindi rin daw inasahan ng aktor ang mainit na pagsubaybay ng mga manunood gabi-gabi sa "Halik" kung saan gumaganap siya bilang si Barry.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Hindi namin ine-expect e. Kumbaga sa set naglalaro lang kaming lahat, pero 'pag acting, trabaho, talagang nagbibigay ang lahat. Pero wala sa expectation namin na ganito tatangkilikin ng mga tao 'yung serye. Ang gagaling din naman kasi ng apat na bida, talagang naka-angkla sila sa bawat characters nila doon," proud na kuwento ng aktor.

"Abangan niyo 'yung mga susunod kasi gugulong na 'yung istorya ni Barry, istorya ko," pahayag pa niya.

Patikim ng aktor sa susunod na linggo mapapanood ang kanyang rebelasyon.

"Basta ayaw ko magsalita kung ano 'yung napapanood niyo bilang Barry. Makakakita naman kayo ng clue or hint kumbaga kung ano 'yung patutunguhan ng character. Exciting," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.