Relasyong Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, patungong altar na?

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 08:54 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

MAYNILA — Tila patungong altar na ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli matapos ang 6 na taon nilang pagiging magkasintahan. 

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, in-upload ni Guidicelli ang larawan nila ni Geronimo, kung saan may suot na tila ba engagement ring ang singer. 

"I love you my love, now and forever," ani Guidicelli.

Hindi naman tahasang sinabi ni Guidicelli na engaged na sila pero ang ilang malalapit sa kanila ang kumumpirma dito.

Puno ng pagbati ang comments section ng post ng aktor. 

Setyembre nang magdiwang umano ng 6th anniversary ang showbiz couple. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.