Jed Madela, inaming si Regine ang dahilan kung bakit siya kumakanta

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 07:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA – Excited na ibinahagi ni Jed Madela ang mga guest performers para sa kanyang nalalapit na 15th anniversary concert. 

Sa “Tonight with Boy Abunda” nitong Martes, sinabi ni Jed na makakasama niya sa kanyang show na “Higher on High” ang mga mang-aawit na naging malaking bahagi ng kanyang buhay.

“Itong mga guests ko, the reason I chose them [is because] they are big parts of my life, of my story,” aniya. 

“[They are] people who helped me, [and] people I have mentored. Sobrang saya ko na um-oo sila.”

Maaasahan ng mga manonood ng “Higher than High” sina Vice Ganda, Nyoy Volante, Carla Guevarra, Cacai Bautista, Robert Seña, Isay Alvarez, Boyband PH, at TNT Boys.

Kasama rin sa concert ang idolo ni Jed mula pagkabata, ang “Asia’s Songbird” at bagong Kapamilya na si Regine Velasquez.

Ayon kay Jed, si Regine ang dahilan kung bakit nahilig siya sa pagkanta.

“Siya ang dahilan kung bakit ako kumakanta ngayon, Tito Boy,” kuwento niya. 

“Siya ‘yung idol ko talaga ever since I was a kid, kasi ‘yun lang ‘yung mga naaabot kong kanta, ‘yung mga kanta niya.”

Magaganap ang “Higher than High” concert ni Jed sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 16.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.