PatrolPH

Scammer, ginamit ang pangalan ni Marlo Mortel

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:01 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Ipinaparating ng aktor at mang-aawit na si Marlo Mortel sa kanyang mga tagahanga na mag-ingat sa scammers na gumagamit ng kanyang pangalan.

Ginamit umano kasi ang pangalan niya para makuha ang contact number ng iba pang artista.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi rin ni Marlo ang screenshot ng palitan ng messages ng scammer na tinatanong ang contact number ng ilang artista.

Iniimbitahan umano ng pekeng Marlo ang mga nasabing artista para sa isang basketball tournament at nag-aalok pa ito ng P20,000 na talent fee para sa celebrity na dadalo sa event.

Hindi ito ang unang beses na nabiktima si Marlo ng parehong modus.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 6, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.