MMFF 2019: Isko Moreno, makakasama ni Coco Martin sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 09:54 PM | Updated as of Nov 07 2019 07:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kinompirma ni Manila Mayor Isko Moreno ang kaniyang pagbabalik-pelikula, na mapapanood na ngayong Pasko.

Tampok si Moreno sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” ang entry ni Coco Martin sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Moreno, gaganap siya bilang alkalde sa pelikula.

"I'm grateful to Mr. Coco Martin and the staff. They included me in the movie," ani Moreno sa naganap na Christmas Tree lighting ng Manila Hotel ngayong Miyerkoles.

Pagbubunyag ni Moreno, diretso sa mga nangangailangan ang kaniyang naging talent fee sa pelikula.

"Sabi ko sa kanila, ibigay nila sa PGH (Philippine General Hospital) 'yung yadba (bayad) nila sa akin," sabi ni Moreno.

Watch more in iWant or TFC.tv

Maikli man ang role niya sa "3pol Trobol," aminado ang alkalde na nasabik siya sa pagbabalik-pelikula. Bukod pa rito ang pagkuha sa kaniya bilang endorser ng ilang produkto.

"Nakaka-miss... Kaya nga ako natutuwa, noong artista ako, hindi ako naging model, e. Ngayon kaliwa’t kanan meron e," aniya.

Dahil dito, nakiusap si Moreno na huwag sanang bigyan na malisya ang pagkakaroon niya ng mga billboard para sa mga naturang endorsement.

"Honestly, I hope I don't offend anybody later on... If you see my face in billboards, it has nothing to do with [propaganda]. Importanteng maliwanag lang tayo. Sa madaling salita, trabaho lang 'yun. Hindi ko naman ibinubuhat ng bangko sa inyo... Ni singko doon wala akong pinakinabangan," pahayag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.