PatrolPH

KZ, nagpaabot ng tulong sa mga kababayan sa Mindanao

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 01:21 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Todo-ngiti si KZ Tandingan sa red-carpet premiere ng una niyang pelikulang "The Art of Ligaw" kasama ang leading man na si Epy Quizon.

Kasama sa ngiti ni KZ ang pagtulong na ginawa ni Angel Locsin sa Mindanao kung saan nakabase ang pamilya ni KZ na nilindol kamakailan.

Abot-abot ang pasasalamat ni KZ para kay Angel.

"Hindi ko po kakayanin sa grabeng ibinigay ni Miss Angel. Miss Angel, maraming maraming salamat po pala sa inyong pagpunta roon. Alam namin galing pa kayo sa Halloween party pero dumiretso pa kayo roon," ani KZ.

Gumawa rin si KZ ng sarili niyang paraan para makatulong sa kanyang mga kababayan sa Mindanao.

"Sabi ko sa daddy ko, 'Dad, kailangan nating magbigay ng kahit kaunti hangga't may kaya tayo.' So, nag-organize po kami, mga kaibigan po namin doon sa Digos, kinoordinate namin. Sobrang sakto na [nandoon] ang parents ko, sa kanila ko pinadala tapos humabol na lang ako after ng work," ani KZ.

Ibinahagi pa ni KZ ang personal na pinagdaanan ng kanyang pamilya nang nayanig ang kanilang lugar.
 
"My mom, my sister, and my brother were almost trapped sa isang mall na gabi pa nangyari. So sobra naging traumatic 'yun para sa pamilya ko, lalo na sa sister ko kasi she almost lost her baby. Pero ngayon po healthy naman ang baby pero kailangan niya mag-rest," ani KZ.

Patuloy pang tutulong si KZ sa kanyang mga kababayan at umaasa na marami pa ang sasama sa kanya sa magandang gawaing ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.