Tony Labrusca, aminadong lapitin ng matrona

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 07:01 PM | Updated as of Nov 06 2018 07:43 PM

 

MAYNILA -- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Tony Labrusca sa patuloy na pag-ani ng positibong komento para sa teaser ng upcoming movie ng ABS-CBN Digital Film na "Glorious."

"Thank you so much for the positive feedback. I'm really happy that everyone appreciates it and I'm just grateful for the response," bungad ni Tony sa naging panayam ng press nitong Martes.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Aquino (@imangelaquino) on

Trailer pa lang, napasabak na agad sa maiinit na eksena ang baguhang aktor kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino.

Kuwento ni Tony, nababasa niya ang ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa social media.

"Honestly kami po ni Angel [Aquino], I will be speaking for myself, hindi naman po ako nababastos sa sinasabi nila, I'm just happy na nagsu-support po sila," aniya.

Amindo naman ang aktor na nahirapan siya noong sinisimulan nila ni Angel ang maiinit na eksena.

"It took a while but me and Angel had so much respect for each other. I mean I had so much respect for Angel and she's really a lovely person to work with," sabi pa ni Tony.

Kasama din sa naging pinagdaanan na proseso ng aktor ang pag-get over sa mga pinagdaanang eksena.

"We both just have a sense of respect for each other. I was very shy and I was honest with her about how I felt and we just try to help each other out," patuloy pa niya.

Pagbibiro pa ni Tony, normal na sa kanya ang pagiging lapitin ng mga may edad na kababaihan.

"Actually sa totoo lang, hindi masyado nagkakagusto sa akin 'yung mga girls na age ko; laging matrona 'yung nagkakagusto sa akin. Kaya nakakatuwa na biglang umabot sa point na nagka-movie na ako about that situation," masayang pahayag ng aktor.

Sa ngayon abala muna si Tony sa pag-promote sa pelikulang "ML" na magkakaroon ng commercial screening simula Nobyembre 7 sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.