PatrolPH

Maja Salvador, handa na bang magpakasal?

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 05:20 PM | Updated as of Nov 05 2019 06:14 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA --- Tila wala nang mahihiling pa sa kanyang buhay ngayon ang Kapamilya star na si Maja Salvador.

Kasunod ito nang sunod-sunod na blessings na kanyang tinatanggap sa personal na buhay at sa kanyang trabaho bilang isang aktres.

"Actually walang kulang... Feeling ko, sa ating lahat, feeling natin may hinahanap tayo at sometimes kailangan natin sabihin sa sarili natin na kung ano ang para sa atin talaga, ay para sa atin. Huwag natin hanapin ang wala pa tayo," tugon ni Maja sa isang panayam sa press con kung saan ni-launch siya na bagong endorser ng Jollibee.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Maja ang pagdating ng kanyang nobyong si Rambo Nunez na ayon sa aktres ay tanggap na tanggap ng kani-kanilang pamilya.

"Walang nagbago. After nine years, mas quadruple pa 'yung love na binibigay nila, especially 'yung mga kapatid niya, lalo na si Tita Marilen [Nunez, ina ni Rambo]. Since very supportive sila, talagang ipaparamdam nila na parte ako ng pamilya nila," kuwento pa ni Maja.

"Ang maganda roon, ganun din ang kapatid ko at mom ko kay Rambo," sabi pa niya.

Dahil sa mas bukas na relasyon ni Maja sa kanyang nobyo, binigyang linaw ng aktres ang maugong na balitang planong pagpapakasal na nila ng nobyo.

"Wala pa," tugon ni Maja. "Ako, I'm very open. Sabi ko nga sa ibang interviews ko, ito ang first time na sobrang open ako sa relationship. Sa Instagram, as in wala, very open ako and hindi ko po ipagkakait 'yung moment na 'yun, 'yung happiness na 'yun, 'yung happiness ko ngayon. Kung mangyari man 'yun kung mapagdesisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po," sabi pa ng aktres.

At kung tatanungin, kung handa na siya sa aspeto ng pagpapakasal: "Hindi ko rin alam. 'Yan nga rin 'yung nakaka-excite, 'yung mga moments na 'yan," aniya.

Ayon pa sa aktres, hindi niya inasahan na magkakaroon ng sagot ang kanyang mga naging kahilingan lang noon.

"I think kung magiging positive ka lang talaga in every paggising mo, in every positive day 'yung itong gagawin mo, hingi ka lang ng guidance, iba... Sobrang powerful 'pag andon ang kapit mo."

Bukod sa kabi-kabilang endorsement, tutok muna ngayon si Maja sa tumitinding mga tagpo sa "The Killer Bride" bilang si Camila Dela Torre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.