Aga Muhlach, nais maging bahagi ng 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 05:24 PM | Updated as of Nov 06 2019 07:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi isinasara ng aktor na si Aga Muhlach ang posibilidad na lumabas sa isang teleserye.

Ayon kay Aga na aminadong pihikan na sa mga tinatanggap na proyekto, nanatili siyang bukas sa mga alok.

"Honestly, I really want to try," tugon ng aktor sa panayam. "I mean, sa buong buhay ko, masusubukan ko naman 'yun... soon! Naghihintay lang ako na may mag-offer."

Para sa aktor, nakadepende sa role ang pagtanggap niya.

"Hindi naman ako magiging plastic... medyo mapili (ako) talaga, pinipili ko ang gagawin ko siyempre at this point in time. Kahit naman noon pa, even when they were offering me a soap on TV, pinipili ko talaga," paliwanag ni Aga na bida ngayon ng pelikulang "Nuuk" kasama si Alice Dixson.

"But I would love to try one really."

Watch more in iWant or TFC.tv

Dito, inihayag ni Aga ang kanyang interest na maging bahagi ng "Ang Probinsyano" at makasama sa isang proyekto ang aktor at direktor nito na si Coco Martin.

"Binibinibiro ko nga sila, 'yung 'Ang Probinsyano' parang gusto ko mag-guest roon. Para masama naman ako doon sa (list ng guest) ng 'Probinsyano.'” sabi pa ni Aga.

Bukod "Nuuk," bahagi rin si Aga ng 2019 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang "Miracle in Cell No. 7."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.