Jessica Sanchez, isa sa hurado ng 'Idol Philippines'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2018 12:14 PM | Updated as of Nov 06 2018 08:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Balik-Pilipinas ang "American Idol" season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Sa pagbisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, sinagot ni Jessica ang balitang magiging parte 'di umano siya ng "Idol Philippines" bilang isa sa mga hurado.

"I heard there's like rumors about that but nothing is like set in stone right now. But if they do ask me, I would love to be part of that," ani Jessica.

Watch more in iWant or TFC.tv

PABABA NG UKG VIDEO HERE, THANKS]

Nagsimulang lumabas ang balitang magiging parte 'di umano si Jessica ng "Idol" nang magpahatid siya ng pagbati kay Regine Velasquez na umaming magiging hurado siya sa nabanggit na talent show na ipapalabas sa ABS-CBN sa 2019.

Nasa bansa ngayon si Jessica para sa kanyang paparating na concert sa The Theater at Solaire sa November 10. 

"It's just around the corner," ani Sanchez.

Makakasama ni Jessica bilang guest artist sa kanyang concert si Martin Nievera.

Nakatakda ring maglabas ng bagong album si Jessica.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.