Ogie Diaz, hands-off sa relasyon ni Liza kay Enrique

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 05:07 PM | Updated as of Nov 04 2019 05:39 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz) on

MANILA -- Hindi raw nanghihimasok sa buhay pag-ibig ni Liza Soberano ang talent manager nito na si Ogie Diaz.

Ito ang naging pag-amin ni Ogie nang kamustahin ang limang taon na relasyon ni Liza kay Enrique.

"Hindi ako nakikialam, 21 si Liza at mag-22 na siya, malaki na siya. Pero responsable si Liza, in fairness," aniya.

Ayon pa sa talent manager, isa lang ang ipinayo niya noon kay Liza noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

"[Dati] wala pa kasi siyang 18 [kaya] sabi ko sa kanya, 'Kailangan, anak, may bahay ka muna ha, may dalawa kang kotse... bago ka magsyota. Kasi nagsimula naman nang walang-wala si Liza," aniya.

"Sa akin pa talaga humihiram 'yan, umabot na nga ng kalahating milyon ang utang sa akin."

Watch more in iWantTFC

At dahil pinatunayan na ni Liza ang kanyang sarili, bilang manager at pangalawang ama ay hindi na rin naging hadlang si Ogie sa relasyon ng aktres kay Enrique.

"In fairness kay Enrique, wala naman akong nababalitaaang sume-segue siya. Kasi 'pag meron, ichichika ko kay Liza, di ba?" aniya.

Dagdag niya: "Magalang saka lagi silang magkasama ni Liza sa lahat."

Sa ngayon, naghahanda na para sa kanilang pagbabalik-telebisyon sina Liza at Enrique na labis na inaabangan ng kanilang mga tagasubaybay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.