PatrolPH

MMFF 2019: Ai Ai Delas Alas, masaya na makasama si Coco Martin sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 05:05 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

MANILA --- Handang-handa na ang comedy queen na si Ai Ai Delas Alas sa kanyang pagbabalik sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Ai Ai, ang pelikulang "3Pol Trobol Huli Ka Balbon" ang unang beses niya na nakasama ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

"Finally, kami ay pumasok na sa MMFF for this year and praise God, nakasali kami. And ang aking anak (Coco Martin) na direktor at bida sa pelikula ay nakasama ko rin, finally, sa movie with Jennylyn Mercado. First time namin na magkakasama lahat," tugon ng aktres sa panayam.

Kuwento pa ng comedy queen, ibang dedikasyon ang ibinibigay ni Coco sa kanyang trabaho, isa sa mga hinangaan niya nang makasama ito.

"Kaya ako natutong mag-gym, lalo kasi high energy ang lolo mo (Coco Martin). Kaya go, dapat pa-fit tayo dyan para makasabay tayo," aniya.

Kahit muling nagbabalik sa taunang film festival, ipinauubaya na ni rin daw ni Ai Ai ang pressure sa kanyang mga kasama na sina Coco at Jennylyn.

"Bahala sina Coco dyan at si Jennylyn, back up na lang ako. Gusto ko happy lang, saka happy together lahat. Magpapasko kasi, gusto ko good vibes," aniya.

Mapapanood ang "3Pol Trobol Huli Ka Balbon" at iba pang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.