Coco Martin nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga batang may sakit

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 05:22 PM | Updated as of Nov 02 2019 07:55 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on


MAYNILA — Makabuluhan ang naging birthday celebration ni Coco Martin noong Biyernes kung saan ibinahagi niya ang kaniyang blessings sa mga batang may sakit sa Philippine Children's Medical Center (PCMC).

Matapos ang kaniyang Batangas trip kasama ang co-stars sa "Ang Probinsyano," dumeretso si Coco sa PCMC para magbigay ng biyaya at saya sa mga bata.

"Sabi ko bakit hindi na lang tayo mag-charity event... Dalawin natin 'yung mga batang may sakit, 'yung mga wala nang magulang... Tayo naman ay makapagpasaya at bilang ganti sa pagmamahal at suporta na binibigay nila sa programa namin," sabi ng aktor.

Nakiisa sa charity event sina John Prats, Mark Lapid, Raymart Santiago, Aaron Villaflor, at iba pa.

Napasaya nila ang mga bata sa mga regalo, pagkain, magic tricks, at iba pang treats.

Nagdiwang ng kaarawan ang aktor noong Nobyembre 1.

Watch more in iWant or TFC.tv


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.