Marcelito Pomoy, inakalang 'scam' ang imbitasyon mula sa 'Ellen' show

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 06:16 PM | Updated as of Nov 02 2018 09:22 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marcelito Pomoy (@marcelitopomoy8) on

Big surprise para kay Marcelito Pomoy ang maimbitahan sa show ng American TV host na si Ellen DeGeneres.

Inakala pa umano noon ni Pomoy na scam lang ang imbitasyon ni DeGeneres.

Watch more in iWant or TFC.tv

Naniwala lang siya nang makausap niya ang staff ng show at sinabing mismong ang TV host ang nagpahanap sa kanya. 

Si Pomoy ang winner ng ikalawang season ng "Pilipinas Got Talent." Tanyag siya sa kaniyang "doble-karang" boses, o kakayahang kumanta ng parehong panlalaki at pambabaeng tono. 

Aminado si Pomoy na ninerbiyos siya bago makaharap si DeGeneres. 

"Nilagnat pa ako pagdating ko dun. Sa sobrang kaba ko hindi ko maintindihan... Siya (DeGeneres) talaga nag-imbita, ginastusan talaga niya para mapatunayan na boses ko raw talaga 'yung ginagawa ko," pagbabahagi ng mang-aawit. 

Dream come true ito para kay Pomoy kaya sinamantala na niya at nagpakitang-gilas sa pagkanta ng "Beauty And The Beast" at "The Prayer."

Pero nasorpresa siya sa regalo ni DeGeneres sa kanya. 

"Kaibigan daw niya si Celine (Dion), at bibigyan daw niya ako ng ticket para maka-meet and greet at makakanta pa... Nagpasalamat na lang ako," aniya. 

Bukod sa TV guesting, may ilang inquiries abroad na rin silang natatanggap, kabilang na ang imbitasyon na sumali sa talent competitions. 

"Maraming kumuha sa akin, sa [Britain's] 'Got Talent,' 'America's [Got Talent].' Ang pinoproblema ko, natakot ako," aniya.

Ayon kay Pomoy, baka ngayong buwan o sa Disyembre ang biyahe niya pa-Las Vegas para makilala si Dion. —Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.