Coco Martin, may makabuluhang hiling sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 12:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

MANILA -- Labis ang pasasalamat ni Coco Martin sa Panginoon sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-37 taong kaarawan.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Coco ang kanyang damdamin sa labis na pagmamahal at mga biyayang kanyang natatanggap.

"Maraming salamat Panginoon sa pagmamahal mo sa 'kin. Salamat din sa lahat ng tao na binigay mo sa buhay ko upang maging daan para matupad ko ang pangarap ko na mabigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya ko," aniya.

Idinagdag din ni Coco ang kanyang makabuluhang hiling na gamitin siya ng Diyos para makatulong sa iba.

"Ngayon, sana mas gamitin mo pa ako upang maibalik ko naman sa aking kapwa ang lahat ng blessing na pinagkaloob ninyo sa 'kin. Salamat sa 37 years na buhay na pinagkaloob mo sa 'kin, isang napakagandang paglalakbay... mahal na mahal ko po kayo!" dagdag ng aktor.

Nito lamang Miyerkoles ng gabi ay isang birthday surprise ang natanggap ni Coco mula sa mga kasamahan niya sa Dreamscape at sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan siya ang bida.

Bumuhos din ang mga pagbati ng mga kasamahan niya sa industriya para sa kanyang espesyal na araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.