Bakit nga ba napaiyak si Jed Madela sa 'Magandang Buhay'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigilan ng mang-aawit na si Jed Madela ang mapaiyak dahil sa kanyang ama.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naging emosyonal si Jed sa naging mensahe ng suporta at pagmamahal sa kanya ng mga magulang, lalo na ang kanyang tatay na si Roy.

"My dad and my mom, hindi sila expressive when it comes with their love, pero nafi-feel ko. Pero lately, I've been so happy kapag naririnig ko na, 'son I'm proud of you and I love you.' And 'yung nanay ko whenever she posts, kahit just one line sa Facebook na 'No. 1 fan,' ang sarap ng feeling," aniya.

Pag-amin ni Jed, ilang taon lamang ang nakakaraan noong mas naging malapit sila ng kanyang ama.

Sa sorpresang pagtungo ng mga magulang ni Jed sa "Magandang Buhay," ibinahagi ng ama ni Jed na may maganda at hindi magandang epekto ang naging personal niyang pagtuturo sa anak pagdating sa pag-awit.

"I think it's because of my way of having been a choir trainer, may isa lang doon na sintunado, masisira na 'yung choir, and I can hear that. And when Jed was competing, ayaw kong marinig 'yung off tune. So in a way, I became a perfectionist and I believe Jed became one also... It had its good points and bad points. The good point is that... Jed has also become a mentor. I feel so proud because when I was teaching him, those were the things that I've been telling him. If you cannot sing the song properly, do not sing at all, sabi kong ganun. And I wanted him to win," paliwanag ng ama ni Jed.

"Now, the bad point is I think he is afraid of me. Alam mo kasi, he respects me a lot that he cannot demonstrate his affection sa akin. Even now, I apologize for what I've done to him and I really hope he has forgiven me," dagdag niya.

Matatandaang isa si Jed sa mga mentor ng "Your Face Sounds Familiar."

Para naman kay Jed, iginiit niyang naunawaan niya na para sa kanyang kabutihan ang lahat ng ginawa ng kanyang mga magulang.

Sa huli, iginiit niya ang pagmamahal sa dalawang taong nagbigay ng buhay sa kanya.