Mga caretakers, sepulturero sa Manila South Cemetery, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 09:20 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang Manila South Cemetery, kung saan nakilala niya ang mga caretaker ng mga puntod at mga sepulturero.

Isa sa mga nakausap ng Iba 'Yan si Aurora Layug, isang caretaker.

Aminado siya na naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pandemya matapos ipag-utos ng pamahalaan na isarado muna ang mga sementeryo ngayong Undas para makaiwas sa COVID-19 ang mga tao.

Sa tulong ng mga donors, nabigyan ng cleaning kits at relief packs ang mga caretaker at sepulturero. Nabigyan rin ng sanitation kits ang Manila South Cemetery.

Narito ang kanilang kuwento.

Watch more News on iWantTFC