TINGNAN: Mga bituing nagpasiklab sa 'Opulence' Halloween Ball

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 10:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pabonggahan at paandaran ang mga bituin na dumalo sa Halloween ball na inorganisa ni Raymond Gutierrez.

"Opulence" ang tema ng ball na inspired sa Queen of France na si Marie Antoinette.

May ilang sumunod sa theme gaya nina Regine Tolentino, Coleen Garcia, Yassi Pressman, at Ruffa Gutierrez.

Dark o gothic Marie Antoinette sina Denise Laurel at Iza Calzado.

Pinakatampok naman ang costume ni Isabelle Daza na may karosa - hango sa pagkapaslang kay Marie Antoinette.

Pink naman ang theme ni Bea Alonzo.

May ilang hindi naka-costume pero nagpasiklab pa rin sa red carpet gaya nina Marco Gumabao at vlogger na si Wil Dasovich, na parehong prisipe ang look.

Nagsuot-bampira naman si Maxine Medina at Marilyn Monroe naman ang peg ni Ara Arida.

Kahit 7 buwang buntis, naki-party pa rin si Solenn Heusaff bilang Aurora sa pelikulang "Maleficent" at Georgina Wilson bilang "Evil Queen."

Dumalo rin ang ilang couples gaya nina Lou at Andre, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, at Angel Locsin at Neil Arce.

Dumating din ang ina ni Raymond na si Annabelle Rama, na may mensahe sa nakaalitang si Gretchen Barretto.

"Sana manahimik ka na, 'Day, tutal mayaman ka naman. I-enjoy mo na lang ang pera mo, tutal mayaman ka na naman. Peace, of course," pahayag ni Rama, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong araw na iyon.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.