Lindsay Custodio, binalikan ang biglaang pagpanaw ng asawa

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 05:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Lindsay Custodio ang sakit sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa.

Pumanaw ang dating Tanauan, Batangas vice mayor na si Julius Caesar Platon II noong nakaraang taon dahil sa atake sa puso.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, inamin ni Lindsay na hindi naging madali para sa kanya ang pagkawala ng ama ng kanyang mga anak. 

"Sudden death 'yung kay Julius. Okay siya that day when it happened, wala siyang kino-complain na anything sa akin. He was his usual self. Noong nangyari 'yon, I was talking to him. He called me at 6:15 in the evening, I could still remember. He was driving on the way home, it was a Sunday when it happened. Noong morning, di siya nakasimba with the family. Sabi niya sa akin [sa telepono], 'Honey, please get ready, dress up, tell the kids to dress up. Kain man lang tayo sa labas together sandali.' I said, 'Okay, sige.' Sabi niya, 'I will put down the phone na so I can drive properly. I will see you in a while. I love you.' Ganun, as usual. I said, 'Okay. I love you. See you later.' Tapos a little after seven, Asian hospital called me already saying that his body was brought there and that he was dead on arrival," kuwento ni Lindsay.

"Parang nagpaalam lang talaga siya sa akin. It's very difficult kasi I was hoping pa rin na baka may miracle na mangyari. Makaabot ako sa kanya roon, baka nagkamali lang sila. Things like these, nasa puso ko lang lahat hanggang makarating ako sa kanya roon. Sobrang hirap," dagdag ng aktres.

Pag-amin ni Lindsay, kahit sobrang hirap ay nakatulong sa kanya ang matibay na paniniwala sa Diyos.

"It's very hard. I try to be strong every day, I try to be strong for my children. We pray together all the time, we pray for Julius' soul, and I just surrendered everything to the Lord kahit sobrang sakit na nawala siya sa akin. I know na it's still His will and I have to accept it, and I just have to put my trust in Him na hindi niya kami pababayaan kahit anong mangyari," aniya.

Kuwento pa ni Lindsay, sa ika-40 araw ng pagkamatay ni Julius ay nakita niya ito at muling nayakap sa kanyang panaginip.

"I had a dream na we were just sitting in a big round table. Mahilig siyang kumain. We were there and he was just staring at me. He's happy, just looking at me and holding on to both my hands. Then nagising ako, but when I woke up I could still feel 'yung hawak niya sa kamay ko. Iniisip ko na lang na he's just telling me to be strong and that he would always be around, he would always be there," aniya.

Disyembre 2000 nang magpakasal sina Lindsay at Julius.

Noong 2001, ipinanganak ni Lindsay ang unang anak nila na si Sean Cristopher. Pagkalipas ng limang taon, isinilang naman ang kanilang anak na babae na si Charisse.