Vina Morales, ikinwento ang naranasang bangungot

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2016 03:34 PM | Updated as of Nov 01 2016 08:04 PM

Hindi makakalimutan ng actress-singer na si Vina Morales ang isa sa kaniyang masasamang panaginip. Kakaiba raw kasi ang kaniyang napanaginipang ito dahil ilang beses nang nangyari sa kaniya at klaro ang mga pangyayari.

"Parang nag-nu-numb 'yung buong katawan mo tapos there's like fire so hindi ko alam kung ano 'yun. Nakakatakot din 'pag iniisip ko, but nangyari 'yun sa 'kin and I just had to -- siguro twice or thrice 'yun -- so I just have to pray," aniya.

Gising na gising daw ang kaniyang isipan ayon kay Vina kahit natutulog siya at sinasabi ng kaniyang isip na magdasal.

"I have to pray Our Father, tapos kung 'di ko matapos babalik na naman ako umpisa, tapos di ko talaga magalaw 'yung buong katawan ko until matapos ko hanggang 'Amen.'"

"Pagkatapos ko, 'Buhay ako!' Nag-ca-catch ako ng breathing," kuwento ni Vina.

Bukod sa hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan, naibahagi rin niya na tila may naka-dagan sa ibabaw ng kaniyang katawan kaya hindi siya makabangon.

"Parang may dumadagan sa akin. Nagigising ako ng alanganin na time and very vivid sa akin na kailangang nabubuo ko yung Our Father. Pag nabuo ko yun, buhay ako."

Alam ni Vina na panalangin sa Panginoon ang sagot sa kaniyang masasamang panaginip at ito nga ang nagiging solusyon niya sa tuwing dadaan sa ganitong pagkakataon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.