PatrolPH

Zanjoe Marudo, ipinagmalaki ang pelikula nila ni Nora Aunor

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2019 08:00 PM

MAYNILA -- Walang pinanghihinayangan ang aktor na si Zanjoe Marudo sa hindi pagkakabilang ng kanilang pelikulang "Isa Pang Bahaghari" sa 2019 Metro Manila Film Festival.

 

Ang "Isa Pang Bahaghari," na pinangungunahan nina Philip Salvador, Micheal De Mesa at Nora Aunor, ay ipinasa sa taunang MMFF ngunit hindi ito nakapasok sa Magic 8.

Ayon kay Zanjoe, naniniwala siya na may mas magandang plano para sa kanilang pinaghirapan na pelikula.

"Actually, sobrang proud na proud kami sa project na 'yun. Sobrang proud na proud kami dahil napakaganda ng pelikula," tugon ni Zanjoe. "Siguro may kanya-kanya namang reason kung bakit at kung ano ang kailangan ipasok for Christmas."

Bukod sa "Isa Pang Bahaghari," isang iWant series rin ngayon ang pinagkakabaalahan ng aktor kasama sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

"Ongoing ako ngayon ng shooting with Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion para sa isang iWant series. Masaya kasi sobrang light lang ng story. Siyempre masaya rin kasama si Jodi at Ian and first time rin ni Jodi na maging producer so excited kaming lahat," pahayag ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.