Ogie Diaz, kinukumbinse si Vice Ganda na magkaroon ng sariling anak

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2019 03:37 PM | Updated as of Oct 31 2019 04:03 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Masayang ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz ang isa sa naging pag-uusap nila ng malapit na kaibigan na si Vice Ganda tungkol sa pagkakaroon ng sariling anak.

Kuwento ni Ogie, kinukumbinsi niya ang kaibigan na magkaroon ng anak.

"Dumating siya noong birthday ng anak ko, debut. Sabi ko sa kanya, 'Te, mag-anak ka na.' 'Te, hindi ko kaya!' 'Mag-anak ka na, 'te. Tumatanda ka na. Ilang taon ka na, 45?' 'Te ayaw ko naman na ako ang aalagaan ng anak ko pagdating ng araw, ganyan.' Sabi ko, 'Noon mo pa inisip 'yan ah. Kung noon mo pa ginawa, hindi mo na maiisip 'yan,' sabi ko sa kanya. 'Te, hindi ko talaga kaya,'" kuwento ng dating talent manager ni Vice.

Para kay Ogie, na may 5 anak, makakatulong sa kaibigan ang responsibilidad ng isang tatay.

"Sabi ko, 'Alam mo, maiiba 'yung perspective mo sa buhay, 'yung outlook mo sa buhay, even your jokes maiiba, 'yung alam mo na kung paano maging tatay.' Kino-convince ko talaga si Vice. Sabi niya, 'Pag-iisipan ko.'"

"Sabi ko sa kanya, 'Te, tandaan mo, pag ikaw sikat na bading tapos namatay ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero kapag mayroon kang iniwan na buhay na monumento, mayroon kang buhay na alaala, maalala ka nila through that person," aniya pa.

"Pag mayroon kang iniwan na buhay na alaala, lagi kang maalala ng mga tao. Nami-meet nila 'yan, 'tatay ko si Vice Ganda.' Napapaisip siya. 'Pag-iisipan ko talaga 'yan, 'te. Actually 'yung mga friends ko, sinasabi nila na mag-anak ako eh.' Kasi nga nagawa ni Joel Cruz, 'di ba?" 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.