Karla, Melai at Jolina, ibinahagi ang mga nakakatakot na karanasan

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2019 11:12 AM

MANILA -- Para sa paggunita ng Undas ngayong taon, ibinahagi ng mga host ng "Magandang Buhay" na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang kanilang mga nakakatakot na karanasan.

Pagbabahagi ni Melai, naranasan niya noon sa General Santos City na makarinig ng boses na binabati siya kahit wala namang ibang tao sa paligid.

Si Jolina naman ay nasa isang kuwarto nang may tumawag sa kanyang atensiyon at sabihan siya ng "hoy!" Laking takot niya nang malamang walang ibang tao roon maliban sa kanya.

Samantala, ang tila pagpapakita ng multo ng isang guwardiya sa dating tinirhang condo ang nakakatakot na karanasan ni Karla.

Narito ang nakakatakot na karanasan ng mga momshies:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.