JM De Guzman, sumubok na ligawan si Angelica Panganiban | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JM De Guzman, sumubok na ligawan si Angelica Panganiban

JM De Guzman, sumubok na ligawan si Angelica Panganiban

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2018 08:24 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Itinanggi ni JM de Guzman ang maugong na balitang may namumuong pagmamahalan sa pagitan niya at ng matalik niyang kaibigang si Angelica Panganiban.

"Hindi kami magkarelasyon ni Angelica," bungad ni JM sa press sa naganap na media launch ng kanyang upcoming movie na "Kung Paano Siya Nawala" kasama si Rhian Ramos.

Hindi man daw naging sila ng leading niya sa "That Thing Called Tadhana," inamin ni JM na mas lumalim ang kanilang pagtitinginan. "Naging close kami, very close friends," aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nang tanungin naman kung bakit tila naudlot ang kanilang pagtitinginan, masayang tugon ng aktor, "Hindi ko alam e."

ADVERTISEMENT

Kung tatanungin naman ang kanyang dahilan sa pagdadala niya ng bulaklak kay Angelica, matipid niyang sagot ay "special friend" niya ito.

Pag-amin pa niya, dumating din sa punto na sumubok siyang ligawan si Angelica. "Parang pumorma, gumanon ng kaunti," ani Jm.

Wala din daw kinalaman ang tila panunumbalik na matamis na pagtitinginan ni Angelica sa ex-boyfriend nito na si Carlo Aquino.

"And alam ko siya din. Marami sa amin na hindi muna pina-prioritize muna siguro (ang lovelife),” paliwanag niya.

"Mas nagtitipid ako ng energy kasi pina-prioritize ko 'yung dapat ko lang na pagtuunan ng pansin," patuloy pa ng aktor.

Kung tatanungin naman ang kanyang pananaw sa usapin ng pag-ibig, paliwanag ni JM: "It’s a scary thing for me ang love. Alam ko kasi kung ano ang pwedeng gawin sa akin ng love, positive or negative man, kaya its something na hindi ko dapat minamadali."

Mapapanuod ang "Kung Paano Siya Nawala" simula Nobyembre 14, sa direksyon ni Joel Ruiz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.