Halloween salubong? Panoorin ang horror flick comeback ni Kim Chiu

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 05:54 PM | Updated as of Oct 30 2020 09:22 PM

Retrato mula sa Star Cinema

MAYNILA — Naghahanap ka ba ng pelikulang maaaring panoorin sa pagsalubong ng Halloween ngayong panahon ng pandemya?

Ngayong Biyernes ay ipalalabas ang comeback horror flick ni Kim Chiu na pinamagatang "U-Turn" sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema. 

Ang mystery-horror film ay idinirek ni Derick Cabrido, at adaptation ng 2016 Indian movie na pareho ang titulo. 

Kasam ni Chiu sa pelikula sina Tony Labrusca, JM de Guzman, at iba pa. 

Maaalalang sinabi ni Chiu na dinalaw umano siya ng "tikbalang" sa shooting ng pelikula.

Gaganapin ang world premiere ng pelikula sa Cinexpress. Ang Cinexpress channel ay available sa mga sumusunod: 

 CIGNAL:

  • Cinexpress Channel 190
  • Cinexpress Channel 290 (HD)

SKY PPV:

  • Cinexpress Channel 158
  • Cinexpress Channel 258 (HD)

Nagkakahalaga ng P150 ang pelikula sa Cinexpress. 

Mapapanood din ito sa KTX.ph, iWantTFC, Cignal, at Sky Cable. 

Panoorin ang buong trailer ng horror film sa ilalim:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.