Ai Ai Delas Alas, inaming mahirap maging isang kabit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Showbiz

Ai Ai Delas Alas, inaming mahirap maging isang kabit

Ai Ai Delas Alas, inaming mahirap maging isang kabit

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 30, 2019 06:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Muling binalikan ni Ai Ai Delas Alas ang kanyang naging karanasan bilang isang kabit.

"Oo, naranasan ko rin, mahirap, crayola ka nang crayola (iyak nang iyak), mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sa 'yo," tugon ni Ai Ai sa naging panayam ng entertainment press.

Ang tinutukoy ng komedyante ay ang singer na si Miguel Vera na tatay ng kanyang dalawang anak.

"Kasi siyempre doon siya kay Cristine (Miguel's legal wife), alangan naman.... Hindi lang naman ako ang nakaranas na maging Cavite City (kabit), hindi ko pa rin naman masyado alam... Alam ko na, pero at the end, ginow ko pa rin, so mali pa rin ako," ani Ai Ai.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa aktres, naniniwala siyang may dalang kamalasan ang kanyang naging desisyon na makipagrelasyon sa asawa ng iba sa loob ng pitong taon.

"Parang ang bigat-bigat ng buhay mo, tapos parati kang malungkot, ganun, hindi ka maging masaya," aniya.

Dahil sa karanasan, nagbigay payo rin si Ai Ai sa mga kababaihan na tulad niyang nagdesisyon na maging isang kabit.

"Masama ang maging Cavite Girl (kabit) at siguro sa mga ganun, try niyo na lang na huwag maging ganun," aniya.

"Try niyo na lang na huwag hangga't maari. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi syempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, 'yun ang pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong binabayaran," aniya pa.

At bilang nanay, naniniwala rin si Ai Ai na hindi magiging masaya ang kanyang buhay pamilya kung ipinagpatuloy pa niya ang kanyang pakikipagrelasyon noon kay Miguel.

"Kasi wala ka rin naman peace, tapos hindi rin naman siya sa 'yo umuuwi, doon pa rin siya umuuwi and hindi ko rin naman kaya 'yung ganun. So huwag na lang talaga and ang mga bata rin kasi hindi ko rin naman sila naasikaso noong malilit pa sila," aniya.

Humingi rin ng paumanhin si Ai Ai sa mga taga-Cavite City sa pagbibigay ng ibang kahulugan sa salitang "Cavite."

"Paumanhin po pagsalitang bakla lang naman po. Iko-correct ko lang po, hindi po iyon tungkol sa mga taga-Cavite nagkataon lang na gay lingo ang Cavite City," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.