Maris Racal, may nakakakilabot na karanasan sa Balete Drive

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 07:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi makakalimutan ni Maris Racal ang kanyang kakaibang encounter na nagdulot ng takot at pangingilabot sa kanya.

Buhay na buhay pa ang istorya kay Maris nang ikinuwento niya ang encounter sa mahiwagang babae sa Balete Drive sa Quezon City.
 
"First time ko noon dumaan sa Balete Drive since taga-Davao po ako. Tapos dumaan ako, sila nagkukuwento-kuwento. Hindi ko alam kung about saan. Tapos bigla na lang akong may nakita talaga. Basta girl naka-white long hair. Hindi ko na maisip na tao 'yun kasi ang weird tapos may sinu-sway siyang parang bata," pagbabalik-tanaw ni Maris.
 
Matapos ang nakita, dito napaisip ni Maris at naalala ang kuwento ng isang kaibigan tungkol sa isang misteryosang babae na nagpapakita sa Balete Drive.
 
"Nasa gitna siya ng road. And then doon ko lang na-realize na siya pala 'yun noong ikinukuwento at dini-describe ng friend ko," ani Maris.
 
Hindi nakita ni Maris ang mukha ang mahiwagang babae pero iba ang kaba sa kanya nang makita ito sa kanilang daraanan.
 
"Kinilabutan talaga ako kasi akala ko parang wala lang. Akala ko tao siya na gusto niya lang ihele-hele ang anak niya. Pero noong na-describe siya tapos parehong-pareho, kinonfirm ko sa sarili ko na 'ah siya pala yung nakita ko,'" dagdag ng aktres.
 
Dasal ni Maris na huwag na muling makita ang babae sa Balete Drive na hindi niya makakalimutan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.