Ruffa Guttierrez, dumepensa kay Claudine Barretto

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 07:15 PM | Updated as of Oct 29 2019 09:56 PM

MAYNILA—"OK ako sa lahat ng artista. Wala akong kaaway."

Ito ang sinugurado ni Ruffa Gutirrez sa isang netizen nang kamustahin sila ng aktres na si Claudine Barretto.

Magkasama ngayon sina Claudine at Ruffa sa espesyal na edisyon ng Metro magazine kasama pa ang ilan pang bituin gaya nina Lucy Torres, Joey Mead King, Dawn Zulueta, Charlene Gonzalez, Tweetie De Leon, Angel Aquino, at Judy Ann Santos.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Matatandaang kamakailan lang nadawit ang pangalan ni Ruffa matapos ang naging komento nitong "Freshhhhhh" sa retrato ni Julia Barretto.

"OK ako sa lahat ng artista. Wala akong kaaway," tugon ni Ruffa sa netizen.

Bukod sa paglilinaw sa tanong ng netizen, dumepensa rin si Ruffa para kay Claudine

"For the record, Claudine has always been sweet, polite and kind to me & my family," pahayag pa niya sa post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.